Tagapanguna’t tagapamuno sa reporma: Siya ang namumuno sa mga mamamayan tungo sa mas magandang buhay

2022-09-13 11:13:52  CMG
Share with:

 

Noong 1970s, ang bayang Zhengding ng lalawigang Hebei ay sikat dahil sa mataas na output ng agrikultura. Pero hindi mataas ang kita ng mga magsasaka sa naturang lugar. Hanggang noong 1981, ang karaniwang taunang kita ng mga mamamayan doon ay mahigit 140 yuan RMB lamang.


Noong panahong iyon, nagtatrabaho si Xi Jinping sa pamahalaan ng bayang Zhengding. Noong unang dako ng 1984, si Xi ay naging Kalihim ng lupong pambayan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Iniharap niya ang target ng pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamayang lokal.


Ang Zhengding ay katabi ng lunsod Shijiazhuang, punong lunsod ng lalawigang Hebei. Bukod dito, may dalawang daambakal at 4 na lansangan ang dumaraan sa Zhengding papunta sa Shijiazhuang. Kaya madali ang komunikasyon at transportasyon sa pagitan ng Shijiazhuang at Zhengding.


Sinamantala ni Xi ang bentahe ng Zhengding sa posisyong heograpikal para pasulungin ang pag-unlad ng mga industriya at serbisyo ng Zhengding na nakatugon sa pangangailangan ng Shijiazhuang.


Halimbawa, hinikayat ni Xi ang mga magsasakang pumunta sa lunsod para magtrabaho at magnegosyo.


Bukod dito, isinapubliko ng Zhengding ang aktuwal na plano para pasulungin ang bagong teknolohiya sa pagtatanim ng mga gulay at pag-unlad ng industriya ng serbisyo at komersyo.


Noong panahong iyon, ang hakbangin ni Xi ay bagong sibol na konsepto para sa Zhengding at mga magsasaka sa roon.


Dahil dito, lumaki ang perang kinikita ng mga magsasaka at nagkaroon ng maraming pribadong negosyo sa lugar. Naging mas maganda rin ang pamumuhay ng mga mamamayang lokal.


Ayon sa isang ulat ng Xinhua News Agency, mula 1981 hanggang 1983, ang halaga ng output ng industriya ng Zhengding ay lumaki ng 56% at ang karaniwang kinikita ng mga mamamayan ay lumaki ng 75%.


Pagkatapos ng pagkahalal bilang Pangkalahatang Kalihim ng CPC noong 2012, iniharap ni Xi na ang hangarin ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay ay target ng pagpupunyagi ng CPC. Ang karanasan niya sa Zhengding ay itinuring na punto ng pagsisimula ng kanyang karera sa pagpapasulong ng pag-unlad ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Mac