Pinanguluhan noong Septembre 8, 2022 sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang espesyal na pulong para pakinggan ang ulat hinggil sa kalagayan ng pagpapatatag ng kabuhayan sa iba’t ibang lugar at talakayin ang mga gawain sa susunod na yugto.
Sinabi ni Li na sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ang pagbangon ng pambansang kabuhayan, dapat lubos at patuloy na isakatuparan ang mga patakaran at hakbangin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pamahalaang Sentral hinggil sa pagpapatatag ng pag-unlad ng kabuhayan.
Sinabi pa ni Li na dapat pasiglahin ang pagbangon ng konsumo, palawakin ang pamumuhunan at pahigpitin ang kompiyansa ng mga market entities. Dagdag pa niya, ang mga market entities ay mahalagang puwersa sa pagpapatatag ng kabuhayan, kaya dapat maayos na lutasin ang mga kahirapan na kinakaharap ng mga ito.
Salin: Ernest
Pulido: Mac