CMG Komentaryo: Panlilinlang ng Amerika, Britanya at Australia tungkol sa kooperasyon ng nuclear submarine, muling nabigo

2022-09-14 16:06:02  CRI
Share with:

Nabigo sa ika-4 na pagkakataon ang tangkang panlilinlang ng Amerika, Britanya at Australia tungkol sa kanilang kooperasyon sa submarimong nuklear.


Buong pagkakaisang ipinasiya nitong Setyembre 12, 2022 sa Ika-4 na Pagsasanggunian ng Konseho ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na kailangang mas malaliman pang talakayin ang mga kaukulang isyu sa nasabing kooperasyon.


Ito ay palatandaang hindi maaaring sarilinang pagdesisyonan ng nasabing 3 bansa ang kooperasyon sa submarinong nuklear, at dapat itong hawakan ng mga kasaping bansa ng IAEA.


Kahit anong panlilinlang ang isinasagawa ng Amerika at Britanya, di nila kayang baguhin ang pundamental na katotohanang magdudulot ng malubhang panganib sa pagkalat ng sandatang nuklear ang kooperasyon nila sa Australia.


Ito rin ay lumalabag sa hangarin at layunin ng “Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT)” na nananaig sa saklaw ng responibilidad ng Sekretaryat ng IAEA.


Kaya dapat itong magkakasamang talakayin at pagpasiyahan ng mga kasaping bansa ng organisasyong ito.


Sa kasalukuyan, 4 na beses nang magkakasunod na binigo ng Konseho ng IAEA ang panlilinlang ng nasabing tatlong bansa.


Malinaw nitong ipinakikita na alam ng mga bansa ang isinasagawang klasikong “double standards” ng Amerika at Britanya.


Sila ay nababahala sa isyung nuklear ng Korean Peninsula at isyung nuklear ng Iran, dahil sa pagsusulong ng Amerika at Britanya sa kooperasyon submarinong nuklear sa Australia.


Ang sandatang nuklear ay nananatiling pinakamalaking panganib para sa sangkatauhan, at hindi maaaring maging pribadong suliranin ang kooperasyon ng Amerika, Britanya at Australia sa submarinong nuklear.


Kaya, kung anuman ang magiging resulta ng kooperasyon ng naturang 3 bansa hinggil sa submarinong nuklear, ito ay kanilang magiging responsibilidad sa buong mundo.


Salin: Lito

Pulido: Rhio