Ayon sa datos na inilabas Martes, Setyembre 13, 2022 ng Labor Department ng Amerika, tumaas ng 8.3% ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa noong nagdaang Agosto kumpara sa gayunding panahon ng taong 2021.
Ayon pa sa datos, ang naturang datos ay mas mataas din ng 0.1% kumpara noong nagdaang Hulyo.
Ipinakikita nitong hindi pa bumubuti ang implasyon sa Amerika.
Samantala, ang gastusin sa pabahay, presyo ng pagkain at presyo ng serbisyo ng medisina at kalusugan ay ang mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng CPI ng Amerika.
Kaugnay nito, ang presyo ng pagkain noong Agosto ay tumaas ng 11.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2021 na naging bagong rekord sa kasaysayan sapul noong Mayo ng 1975.
Ang gastusin naman sa pabahay at presyo ng serbisyo ng medisina at kalusugan noong nagdaang Agosto ay magkakahiwalay na tumaas ng 0.7% at 0.8% kumpara sa nagdaang Hulyo.
Kahit bumaba ng 10.6% ang presyo ng gasolina noong nagdaang Agosto kumpara noong nagdaang Hulyo, ang presyo ng koryente at natural gas noong Agosto ay magkahiwalay namang tumaas ng 1.5% at 3.5% kumpara noong Hulyo.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio