Xi Jinping, nasa Kazakhstan

2022-09-14 16:56:00  CMG
Share with:

 

Dumating ngayong hapon, Setyembre 14, 2022 sa Nur Sultan, kabisera ng Kazakhstan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw pang-estado sa bansa.


Sa paanyaya nina Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan at Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekstan, isasagawa ni Xi ang dalaw pang-estado sa naturang dalawang bansa at dadalo rin sa Ika-22 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos sa Samarkand, Uzbekistan.


Salin: Ernest

Pulido: Lito