Artikulo ni Xi Jinping, inilabas ng mga media ng Uzbekistan

2022-09-14 14:22:40  CMG
Share with:

 

Bago dumalaw sa Uzbekistan, inilabas Martes, Setyembre 13, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulong pinamagatang “Working Together for a Brighter Future of China-Uzbekistan Relations.”

 

Sinariwa rito ni Pangulong Xi ang kasaysayan ng ugnayan ng dalawang bansa, na inilathala naman ng mga media ng Uzbekistan.

 

Sinabi ni Xi na ang taong 2022 ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa at mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan nitong 30 taong nakalipas.

 

Ipinahayag niyang dapat pahigpitin ang pagtutulungan at palalimin ang pagtitiwalaan sa isa’t isa.

 

Aniya pa, tinututulan ng Tsina ang pakikialam ng anumang dayuhang puwersa sa suliraning panloob ng Uzbekistan.

 

Kasama ng Uzbekistan, nakahanda aniya ang Tsina na magsikap upang palawakin ang kooperasyon sa pagpawi ng mga kahirapan, at nanawagan para sa pagpapahigpit ng mga kooperasyon sa seguridad at kultura.

 

Hinahangaan ni Xi ang mahalagang papel ng Uzbekistan sa isyu ng Afghanistan, at hinggil dito, sinabi niyang nakahanda ang Tsina, na pangalagaan, kasama ng Uzbekistan, ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon.

 

Sa paanyaya ni Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan, isasagawa ni Xi ang dalaw pang-estado sa bansa at dadalo rin sa Ika-22 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idaraos sa Samarkand, Uzbekistan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio