Artikulo, inilabas ni Xi Jinping sa mga media ng Kazakhstan

2022-09-14 14:24:37  CMG
Share with:

 

Bago dumalaw sa Kazakhstan, inilabas Martes, Setyembre 13, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga media ng Kazakhstan ang artikulong pinamagatang “Build on the Past to Make Greater Strides in China-Kazakhstan Relations.”

 

Ipinahayag dito ni Xi ang paghanga sa mga natamong bunga ng dalawang bansa nitong 30 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kazakhstan.

 

Dapat aniyang pahalagahan ng dalawang panig ang mga natamong bunga at patuloy na pasulungin ang pag-unlad ng bilateral na relasyon at kooperasyon.

 

Sinabi niyang nakahanda ang Tsina na panatilihin, kasama ng Kazakhstan, ang pagpapalagayan sa mataas na antas at pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga pamahalaan, lehislatura, at partido sa iba’t ibang antas.

 

Nanawagan din si Xi para sa patuloy na pagpapasulong ng mga kooperasyon at konstruksyon sa ilalim ng balangkas ng “Belt and Road” Initiative (BRI) na gaya ng pagpapadali ng kalakalan at pamumuhuhan, transnasyonal na transportasyon, big data, artificial intelligence (AI), e-commerce at berdeng enerhiya.

 

Aniya, kasama ng Kazakhstan, pahihigpitin ng Tsina ang kooperasyon sa seguridad at depensa upang maharap ang masalimuot na kalagayang pandaigdig at panrehiyon; at isusulong ang mga kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na mekanismo na gaya ng United Nations (UN), Shanghai Cooperation Organization (SCO), Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA), at China+Central Asia (C+C5).


Salin: Ernest

Pulido: Rhio