Ayon sa datos na isinapubliko ngayong araw, Setyembre 16, 2022 ng National Bureau of Statistics (NBS) ng Tsina, noong Agosto, patuloy na bumuti ang tunguhin ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Matatag na tumaas ang pangangailangan sa produksyon, matatag sa kabuuan ang pangkalahatang kalagayan ng paghahanap-buhay at presyo ng mga paninda, at mas mabuti ang maraming indeks na ekonomiko kumpara noong nagdaang Hulyo.
Sa isang news briefing na idinaos nang araw ring iyon, sinabi ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng NBS, na sa kabila ng maraming negatibong epekto ng pandemiya, patuloy na lumaki ang pambansang kabuhayan noong nagdaang Agosto.
Inamin din niya na sa harap ng masalimuot at mahigpit na kalagayang pandaigdig, hindi pa matibay ang pundasyon ng pagpapanumbalik ng pambansang kabuhayan.
Salin: Lito
Pulido: Mac