Pangkalahatang debatehan ng Ika-77 Pangkalahatang Asemblea ng UN at kaukulang aktibidad, dadaluhan ni Wang Yi

2022-09-18 14:31:36  CRI
Share with:

Ipinatalastas Setyembre 17, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Setyembre 18 hanggang 25, dadalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pagkalahatang debatehan ng Ika-77 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN).


Ani Mao, sa panahong iyon, pangunguluhan din ni Wang ang pulong ministeriyal na “Grupo ng mga Kaibigan ng Inisyatiba ng Kaunlarang Pandaigdig,” at dadalo sa iba pang pulong na tulad ng Pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa), Diyalogo ng mga Ministrong Panlabas ng China-CELAC (Community of Latin American and Caribbean States), at makikipatagpo sa mga Ministrong Panlabas ng bansang Gulf Cooperation Council (GCC).


Bukod pa riyan, magkakaroon ng bilateral na pagtatagpo sa pagitan nina Wang at Pangkalahatang Kalihim ng UN, Pangulo ng Ika-77 Pangkalahatang Asemblea ng UN, at mga puno ng delegasyon at Ministrong Panlabas ng ilang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio