Kumusta po mga kaibigang Pinoy, ito po si Sissi, ngayong araw, patuloy ang biyahe natin sa aking hometown-Ningxia.
Natatandaan pa ba ninyo ang tanong ko sa episode ng Museo ng Ningxia?
Ito po ang tinatawag na Yang Pi Fa Zi (Sheepskin Raft), ginamit ito para ihatid ang mga tao o mga paninda noong sinaunang panahon sa hilagang kanluran ng Tsina.
Ang yang pi fan zi ay yari sa balat ng buong lalaking tupa , aalisin ng craftsman ang lahat ng karne, lamang loob at buto, tapos, ilalagay ang asin, langis at tubig sa loob ng balat, ididikit ang mga retaso, pagkatapos, pinalolobo ang balat at patutuyuhin sa ilalim ng araw nang mga kalahating buwan hanggang maging waterproof at malinis ang balat na puwedeng gamitin bilang isang bahagi ng raft.
Usually, ang isang regular na raft ay nangangailangan ng 15 balat ng tupa, pero, may malalaking raft na gawa sa 600 balat.
Ngayon, meron ng malalaking tulay at ligtas na ferry, at ang Yang Pi Fa Zi ay naging Intangible Cultural Heritage at attraction na lamang sa mga tourist spots sa Ningxia at ilang lugar sa magkabilang pampang ng Yellow river sa Tsina.
Gumagalaw sa agos ng tubig ng Yellow river habang naririnig ang huaer, isang uri ng folk song ng Ningxia, parang nasa higaan, nakakarelaks talaga.
(lyrics)
Kung agad kong nalaman na puso mo'y magbabago, hindi na sana kita minahal
Video Editor: Sissi
Pulido: Mac