Tsina, ibayo pang magbubukas sa labas

2022-09-20 16:49:46  CMG
Share with:


Tinukoy ngayong araw, Setyembre 20, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa hinaharap, ibayo pang magbubukas ang Tsina sa labas.


Ipinahayag ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang mga hamon na gaya ng unilateralismo at trade protectionism. Naniniwala aniya ang Tsina na ang pagbubukas at pagtutulungan ay tunguhin ng kasaysayan at ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ay angkop sa kapakanan ng buong sangkatauhan.


Sinabi ni Wang na buong sikap na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas, pasusulungin ang liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan, at pabubutihin ang kapaligirang pangnegosyo.


Nakahanda aniya ang Tsina na palawakin, kasama ng mga bansa ng daigdig, ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan at ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina sa ibang mga bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Mac