Kinondena sa Vienna nitong Setyembre 19 (local time), 2022 ng kinatawang Tsino sa Ika-51 Regular na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang ginagawang arbitrary detention ng Amerika sa mga imigrante sa mahabang panahon.
Aniya, noong 2021, idinetine ng Amerika ang mahigit 1.7 milyong imigrante at halos 80% sa kanila ay ibinilanggo sa mga pribadong pasilidad na kinabibilangan ng 45 libong menor de edad.
Dagdag niya, masama ang kondisyon sa naturang mga pasilidad, na sumisira sa pisikal at mental na kalusugan ng naturang mga bilanggo.
Sinabi pa ng kinatawang Tsino, na kahit walang paglilitis, 20 taon nang isinasagawa ng Amerika ang pagbibilanggo sa mga imigrante sa Guantanamo.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na itigil ang mga aksyong nakakapinsala sa karapatang pantao tulad ng arbitrary detention sa mga imigrante at refugees, at ipagkaloob ang mga subsidya at kompensasyon sa mga biktima.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio