Pangkalahatang debatehan ng Pangkalahatang Asembleya ng UN, binuksan

2022-09-21 15:13:49  CMG
Share with:

 

Sa ilalim ng temang “A watershed moment: transformative solutions to interlocking challenges,” binuksan Setyembre 20, 2022 sa New York, Amerika ang pangkalahatang debatehan ng Ika-77 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN).

 

Tatalakayin dito ang mahahalagang isyung kinabibilangan ng kalagayan ng Ukraine, pagbabago ng klima, pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pag-unlad ng daigdig at reporma sa UN.

 

Samantala, nanawagan si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN sa iba’t ibang bansa na pangalagaan ang nukleong papel ng UN sa pagsasakatuparan at pangangalaga sa kapayapaan, igalang ang pandaigdig na batas at paliitin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Hinimok din ni Guterres ang iba’t ibang bansa na buong sikap na pasulungin ang renewable energy para tulungan ang mga may kinalamang bansa na harapin ang mga hamon sa pagbabago ng klima.

 

Pinanguluhan ni Csaba Korosi, Pangulo ng Ika-77 Pangkalahatang Asembleya ng UN, ang seremoya ng pagbubukas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio