Mensahe ng pagbati, ipinadala ni Xi Jinping sa International Day of Peace

2022-09-22 14:59:50  CMG
Share with:

 

Sa ilalim ng temang “Pagsasakatuparan ng Global Security Initiative at Pangangalaga sa Pandaigdigang Katatagan at Kapayapaan,” idinaos Setyembre 21, 2022 sa Beijing ang aktibidad bilang pagdiriwang sa International Day of Peace.

 

Sa kanyang mensaheng pambati, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba’t ibang bansa ng daigdig na igalang ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng lahat ng mga bansa, sundin ang mga prinsipyo at layon ng Karta ng United Nations (UN), at lutasin ang pagkakaiba at hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.

 

Umaasa si Xi na sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, magkakaroon ng puwersa at katalinuhan ang iba’t ibang panig tungo sa pagbibigay ng positibong ambag sa pangangalaga ng katatagan at kapayapaan ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio