Pamumuhunan ng Tsina sa labas noong unang walong buwan, lumaki ng 7.2%

2022-09-23 16:00:37  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas nitong Huwebes, Setyembre 22, 2022 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula Enero hanggang Agosto ng taong ito, ang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa mga di-pinansiyal na larangan sa ibayong dagat ay umabot sa halos 492.8 bilyong yuan RMB na lumaki ng 7.2% kumpara sa katulad na panahon ng taong 2021.


Ang bolyum na ito ay nagkakahalaga ng halos US$75.1 bilyon na lumaki ng 5.8%.


Kabilang dito, ang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa sa paligid ng Belt at Road ay umabot sa halos US$14 bilyon na lumaki ng 8.2% kumpara noong isang taon.


Ayon pa nasabing datos, ang aktuwal na halaga ng dayuhang pondo na ginamit ng Tsina noong unang walong buwan ng taong ito ay umabot sa US$134.8 bilyon na lumaki ng 20.2% kumpara sa katulad na panahon noong 2021.


Kabilang dito, ang bolyum ng pamumuhunan ng Unyong Europeo sa Tsina ay lumaki ng 123.7%.


Salin:Ernest

Pulido: Mac