Tsina: Walang anumang problema sa malayang paglalayag at paglipad sa South China Sea

2022-09-24 14:47:07  CRI
Share with:

Sa pag-uusap kamakailan nina Pangulong Joe Biden ng Amerika at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas, ipinahayag ng una na kapwa nila kinakatigan ang malayang paglalayag at paglipad sa South China Sea. Ipinagdiinan din nilang dapat mapayapang lutasin ang hidwaan.


Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 23, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula’t mula pa’y walang anumang problema sa malayang paglalayag at paglipad sa South China Sea.


Ani Wang, palagiang iginagalang at kinakatigan ng panig Tsino ang kalayaan ng paglalayag at paglipad ng iba’t-ibang bansa sa nasabing karagatan alinsunod sa pandaigdigang batas.


Nakahanda aniya ang panig Tsino na sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, maayos na lutasin kasama ng mga kaukulang bansang kinabibilangan ng Pilipinas, ang kanilang hidwaang pandagat para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.


Umaasa ang panig Tsino na totohanang igagalang ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang ginagawang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito, diin pa ni Wang.


Salin: Lito

Pulido: Mac