Sa kanyang talumpati sa ika-51 pulong ng United Nations (UN) Human Rights Council (UNHRC), tinututulan nitong Setyembre 23, 2022 ng kinatawang Tsino ang isinasagawang unilateral na sangsyon ng ilang kaukulang bansa laban sa Belarus. Tinututulan din aniya ng panig Tsino ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Belarus sa katuwiran ng karapatang pantao.
Anang kinatawang Tsino, iginagalang ng Tsina ang sariling pagpili ng mga mamamayan ng Belarus ng landas ng pag-unlad ayon sa kanilang kalagayan ng bansa. Hinahangaan din ng panig Tsino ang mga natamong progreso ng Belarus sa larangan ng karapatang pantao.
Dagdag niya, dapat itakwil ng UNHRC at Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) ang “double standards,” at igiit ang obdiyektibo at pantay na prinsipyo. Hindi dapat nila gamitin ang mga pekeng impormasyon sa pagsasagawa ng walang batayang pagbatikos sa mga umuunlad na bansa, diin pa ng kinatawang Tsino.
Diin pa niya, hinihimok ng panig Tsino ang kaukulang bansa na itigil ang unilateral na sangsyon laban sa Belarus.
Salin: Lito
Pulido: Mac