Sa kanyang talumpati kamakailan sa General Debate ng Ika-77 Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations, ipinahayag ni Manasseh Sogavare, Punong Ministro ng Solomon Islands, na sapul nang opisyal na normalisasyon ng relasyong diplomatiko ng Solomon Islands at Tsina, nakaranas ang Solomon Islands ng walang batayan at ganap na maling kritisismo ng ilang media.
Sinabi niyang hindi dapat palalain ng iba’t ibang bansa ang tensyon sa Taiwan Strait at mga lugar sa paligid nito. Ang anumang maling kalkulasyon ay banta sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, at magdudulot ng malubhang resulta sa kalakalang pandaigdig.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 26, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pahayag ni PM Manasseh Sogavare ay malakas na di pag-ayon sa mga walang batayang kritisismo na nakatuon sa relasyon ng Tsina at Solomon Islands. Napangalagaan nito ang lehitimong karapatan ng normal na pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa, at makatarungang paninindigan ito kaugnay ng kalagayan ng Taiwan Strait at kalagayang panrehiyon at pandaigdig, at lubos na pinapurihan ito ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac