Ngayong araw, Setyembre 27, 2022, ay World Tourism Day.
Noong Oktubre 2022, itinayo ng Tsina ang unang batch na mga Pambansang Parke ng Tsina, na kinabibilangan ng Three-River Source National Park, Giant Panda National park, Northeast China Tiger and Leopard National Park, National Park of Hainan Tropical Rainforest at Wuyishan National Park.
Ang naturang mga parke ay napakagandang pasyalan.
Three-River Source National Park
Ang Three-River Source National Park na nasa Qinghai-Tibet Plateau ay may 4,500 metro na altitude. Dito mayroong kahanga-hangang tanawin ng talampas o plateau.
Giant Panda National Park
Ang Giant Panda National Park ay sumasaklaw sa tatlong lalawigang Tsino na kinabibilangan ng Sichuan, Shaanxi at Gansu. Mga 1,000 giant panda ang inaalagaan sa parkeng ito.
Northeast China Tiger and Leopard National Park
Ang Northeast China Tiger and Leopard National Park ay nasa purok panghanggahan ng lalawigang Jilin at lalawigang Heilongjiang sa dakong hilagang silangan ng Tsina. Ang parkeng ito ay mahalgang lugar para sa pangangalaga ng mga Northeast China Tiger and Leopard.
National Park of Hainan Tropical Rainforest
Ang National Park of Hainan Tropical Rainforest ay nasa lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina, at ito ang lugar na may pinakamaraming na biolohikal na species sa Tsina.
Wuyishan National Park
Ang Wuyishan National Park ay nasa purok hanggahan ng lalawigang Fujian at lalawigang Jiangxi ng Tsina. Kitang-kita ang pagbabago ng klima sa parkeng ito, at resulta nito ay natatanging magandang tanawin.
Salin:Sarah
Pulido:Mac