Xi Jinping, nakidalamhati sa mga biktima ng insidente ng pamamaril sa Rusya

2022-09-27 16:42:18  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Setyembre 27, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe sa kanyang counterpart na si Vladimir Putin ng Rusya kaugnay ng insidente ng pamamaril na naganap sa lunsod ng Izhevsk ng Rusya.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng Pamahalaang Tsino at mga mamamayang Tsino, ang lubos na pakikidalamhati sa mga biktima ng insidente ng pamamaril at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anak ng biktima.


Ayon sa pahayag ng mediang Ruso, ang nabanggit na insidente ay naganap nang araw ring iyon sa isang paaralan sa Izhevsk na nagresulta sa pagkamatay ng di-kukulangin sa 15 katao na kinabibilangan ng 11 bata.


Bukod dito, 22 bata at dalawang maygulang ang nasugatan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac