Ipinahayag ngayong araw, Setyembre 28, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan ay may malaking pagkakaiba sa isyu ng Ukraine.
Ipinagdiinan niyang ang anumang pagtatangka na pag-ugnayin ang dalawang isyu ay pulitikal na probokasyon at malubhang nakakapinsala sa prinsipyo ng paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Kaugnay ng isyu ng Ukraine, ipinahayag ni Wang na palagiang iginigiit ng Tsina na dapat igalang ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng iba’t ibang bansa, at prinsipyo at layunin ng Karta ng UN.
Sinabi pa niyang dapat katigan ng lahat ang mga pagsisikap para mapayapang lutasin ang krisis ng Ukraine.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio