Vlog ni Sissi-Airport Tour sa Beijing Daxing International Airport

2022-09-28 20:15:53  CRI
Share with:

Dahil sa pandemiya, gaano katagal na hindi kayo sumakay ng eroplano?


Ngayong araw, ay kauna-unahang pagkakataong sasakay ako ng eroplano pagkaraang bumalik ako sa Tsina mula sa Manila noong Agosto, 2021. At kauna-unahang pagkakataong pumunta sa Beijing Daxing International Airport. Bagong gawa ito at nagbukas noong ika-26 ng Setyembre, 2019.


Ang Daxing International Airport ay may isang ground transport hub na nag-uugnay ng paliparan sa mga pampublikong transportasyon tulad ng high-speed na railway, subway at expressway. 


Totoong maginhawa ang biyahe, paglabas ng subway, deretso na agad akong pumasok sa terminal ng airport at puwedeng check-in na, pero, dahil sa pandemiya, kailangang ipakita ang resulta ng PCR-test sa check-in counter, hindi puwedeng gamitin ang self-check-in machine.


Dahil isang taon akong hindi pumunta sa airport, sa tingin ko napakacute ng mga convience stores dito.


Ang inspirasyon daw ng disenyo ng Daxing International Airport ay galing sa phoenix. Pero, mas madalas itong tawaging "isdang-bituin".


Ang ganda, kung hindi ko sinabi, aakalain ninyong nasa parke ako, di ba?


Naku, meron mga luxury brand store ng Louis Vuitton, Gucci, Hermes, sa departure area.

 

Ah, boarding time na, hulaan ninyo saan ako pupunta, malalaman ninyo sa susunod na linggo, kita-kits ha.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac