Nagpadala ngayong araw, Setyembre 29, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon ng mensaheng pambati sa isa’t isa kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones.
Sa kanyang mensahe, idiniin ni Xi ang kanyang lubos na pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones.
Nakahanda aniya siyang magkasamang magsikap, kasama ni Kishida, para itatag ang relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng bagong panahon.
Ipinahayag naman ni Kishida na nakahanda ang Hapon na pasulungin, kasama ng Tsina, ang konstruksyon ng konstruktibo at matatag na relasyon ng dalawang bansa para magkasamang pasulungin ang kapayapaan at kasaganaan ng dalawang bansa, rehiyon at buong daigdig.
Nang araw ring iyon, nagpadala rin sa isa’t isa sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Kishida ng mensaheng pambati hinggil dito.
Salin: Ernest
Pulido: Mac