Mga lider ng partido at bansa ng Tsina, nag-alay ng bulaklak sa mga pambansang bayani

2022-09-30 11:27:20  CMG
Share with:

Ngayong araw, Setyembre 30, 2022 ay Martyrs' Day ng Tsina.

 

Ginanap kaninang umaga sa Tian'anmen Square, Beijing ang seremonya ng pag-alay ng bulaklak sa mga pambansang bayani.

 

Dumalo sa seremonya si Pangulong Xi Jinping, kasama ang ibang mga lider ng partido at bansa at mga kinatawan ng iba’t ibang sirkulo.

 

Sa ngalan ng sambayanan, binigyang-pugay nila ang mga martir.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac