Paggawa ng Chinese Knot

2022-10-02 12:39:38  CRI
Share with:

Ang Chinese knotting o tradisyonal na palamuting Tsino ay isang sining na nagsimula noong Tang at Song dynasties.

 

Sa mga pagdiriwang at espesyal na okasyon, makikita ang mga dekorasyong Chinese knot na nakasabit sa mga dingding, at pintuan ng mga tahanan upang maging masaya ang damdamin sa panahon ng kapistahan. Kadalasan, ang mga knot ay kulay pula, na simbolo ng  "swerte" sa tradisyonal na kulturang Tsino.

 

Ngayong araw, gagawa tayo ng isang basic Chinese knotting- 3-row Pan Chang knot.

 

Kakailanganin natin ang mga sumusunod:


Chinese knotting cord               2.5 M

10 cm x 10cm  PVC foam board          1 PC

acne pin                                               1 PC

positioning pin                                    10 PCS

 

Ibuhol ang lubid at talian ang isang shuanglian knot sa habang 10 cm

 

Idikit ang lubid sa tulong ng mga positioning pins.

 

Gamitin ang acne pin bilang shuttle, dahan-dahang humabi ng isang buhol.

 

Alisin ang mga postioning pins at cardboard

 

Unti-unting higpitan ang mga buhol. Napakaimportante ng hakbang na ito, kailangan ng pasensiya nyo.

 

Ikabit ang tassels, tapos na ang isang 3-row Pan Chang knot.

 

Ang unang araw ng Oktubre ngayong taon ay ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Maligayang kaarawan, China!


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac