Bilang ng mga namatay sa stampede sa Indonesia, ibinaba sa 125

2022-10-03 12:58:55  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Oktubre 2, 2022 ni Emil Dardak, Pangalawang Gobernador ng lalawigang East Java ng Indonesia, na muli nila pinasadahan ang bilang ng mga namatay sa stampede sa isang football stadium sa lokalidad at itinala ito sa bilang na 125 sa halip na 174.


Ang naturang insidente ay naganap noong gabi ng unang araw ng Oktubre dahil nagkagirian ang may 3,000 tagahanga ng koponan ng football pagkatapos ng isang laro.


Bunsod ng insidente, iniutos ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa mga may kinalamang departamento na pag-aralan ang pagpapatupad ng seguridad sa mga laro ng football.


Salin: Ernest

Pulido: Mac