Di-kukulangin sa 80 katao, nasawi sa bagyong Ian sa Amerika

2022-10-03 15:02:17  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng panig Amerikano, hanggang kagabi, Oktubre 2, 2022, di-kukulangin sa 80 katao ang nasawi sa bagyong Ian.


Sa mga ito, 76 ay nasa lalawigang Florida at 4 na iba pa ay nasa lalawigang Carolinas.


Ayon sa pagtaya ng awtoridad, may posibilidad na tataas pa ang bilang ng mga kaswalti habang patuloy na isinasagawa ang gawaing pang-rescue.


Noong nagdaang Setyembre 28, ang bagyong Ian ay naglandfall sa baybaying dagat sa dakong timog kanluran ng Florida.


Ayon sa pagtasa ng isang kompanyang Amerikano, ang halaga ng kapinsalaan na dulot ng bagyong Ian ay umabot sa US$ 28 bilyon hanggang US$ 47 bilyon.


Salin: Ernest

Pulido: Mac