SAFE: Walang humpay na bumubuti ang estruktura ng transnasyonal na pamumuhunan at pangingilak ng pondo ng Tsina

2022-10-04 11:54:12  CRI
Share with:

Ayon sa “China’s International Balance of Payments Report in the First Half of 2022” na isinapubliko kamakailan ng State Administration of Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina, nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mas malaking saklaw, mas malawak na larangan, at mas mataas na antas. Bunga nito, walang patid na bumubuti ang estruktura ng transnasyonal na pamumuhunan at pangingilak ng pondo ng bansa.


Ayon sa ulat, dahil sa walang patid na pagbuti ng kapaligirang pangnegosyo at napakalaking potensyal ng merkado ng bansa, malakas ang pagkukusang-loob ng mga dayuhang mangangalakal sa pamumuhunan at pagnenegosyo sa Tsina.


Bukod pa riyan, kasunod ng pag-unlad ng real economy at paglakas ng mga kompanya, lumalaki ang pangangailangan ng mga kompanyang Tsino sa pamumuhunan sa ibang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Mac