Pinakamaganda ang anihan sa ginintuang Taglagas

2022-10-04 14:56:43  CRI
Share with:

Ngayong taon ay Ika-5 Pestibal ng Mabuting Anihan ng mga Magsasakang Tsino.


Maganda ang resultang nakuha ng mga magsasaka sa lunsod Xiangyang, probinsyang Hubei ng Tsina, sa panahon ng anihan. Kitang-kita ang masaya at magandang ngiti sa mukha ng mga magsasaka.


Ang lunsod Xiangyang ay malaking lunsod na agrikultural sa Tsina.


Sa pamamagitan ng pagpapasulong ng de-kalidad na konstruksyon ng mga bukirin, malinaw na tumaas ang lebel at kakayahan nito sa pagpoprodyus ng pagkaing-butil.


Sa bayang Nanzhang, lunsod Xiangyang, napakabuting anihan ng Chinese cucumber (Trichosanthes kirilowii Maxim) ang nakuha sa ngayong taon. Abalang-balang pinipitas ng mga magsasaka ang mga hinog na Chinese cucumber.


Sa Zaoyang ng Xiangyang, walang-tigil ang mga makina ng pag-aani.


Sinasamantala ng mga magsasaka ang magandang lagay ng panahon para anihin ang mga trigo.


Tanawin ng mabuting anihan sa iba’t-ibang mga lugar.


Salin: Lito

Pulido: Mac