Ayon sa ulat na inilabas Oktubre 4, 2022 (local time) ng World Bank (WB), tinatayang bumaba ng 35% ang kabuhayan ng Ukraine ngayong taon dahil sa sagupaan sa pagitan nito at Rusya.
Sinabi pa ng WB, na posibleng lalaki ng 3.3% ang kabuhayan ng Ukraine sa 2023, ngunit ito’y walang-katiyakan dahil sa patuloy na kaguluhan.
Anang ulat, nawasak ang maraming pabrika at bukirin, sapilitang lumikas ang ilang milyong mamamayan, at kailangan ng bansa ang di-kukulangin sa $USD349 bilyong dolyares para sa rekonstruksyon, na katumbas ng 1.5 ulit ng kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng Ukraine noong 2021.
Sa kabilang dako, sinabi ng WB na bumaba ng 4.5% ang kabuhayang Ruso sa kasalukuyang taon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio