Iraq, di-dapat maging arena ng heopolitika – Tsina

2022-10-05 11:28:48  CRI
Share with:

Ipinahayag Oktubre 4, 2022 ni Dai Bing, Pirmihang Pangalawang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na ang mga mamamayang Iraqi ay nabibilang sa magkakaibang nasyonalidad, at ang bansa ay mahalaga ang estratehikong lokasyon.


Kaya, dapat aniya itong maging puwersang tagapagpasulong sa kooperasyong panrehiyon sa halip ng arena ng heopolitika.


Sa pagsusuri ng UN Security Council (UNSC) sa isyu ng Iraq, ipinahayag ni Dai na hinahangaan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng Iraq sa pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa mga kapitbansa nito at pagpapasulong ng integrasyong panrehiyon.


Aniya, palagiang naninindigan ang panig Tsino sa lubos na paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng lahat ng bansang kinabibilangan ng Iraq, at pagsasakatuparan ng komong seguridad sa pamamagitan ng kooperasyon.


Sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ang situwasyong pulitikal sa loob ng Iraq, at kinakaharap ng bansa ang malalaking misyong tulad ng pagbuo ng bagong pamahalaan, aniya pa.


Diin ni Dai, dapat lubos na igalang ng komunidad ng daigdig ang soberanya at karapatan ng Iraq, at katigan ang mga mamamayang Iraqi sa pagpili ng landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng kanilang bansa.


Dagdag pa niya, nagbayad ang Iraq ng napakalaking kapinsalaan sa pagbibigay-dagok sa “Islamic State (IS)” at pagbawi ng mga sinakop na teritoryo ng mga teroristiko at ekstrimistang organisasyon.


Kaya, dapat patuloy at matatag na suportahan ng komunidad ng daigdig ang pagsisikap ng Iraq sa pagsugpo sa mga naiiwang puwersang teroristiko para mapatibay ang di-madaliang nakuhang bunga sa paglaban sa terorismo, saad niya pa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio