Aksyon ng Amerika at kaalyado sa Peninsula ng Korea, kinondena ng Pyongyang

2022-10-06 12:18:49  CRI
Share with:

Iniulat Oktubre 6, 2022 ng Korean Central News Agency (KCNA) ang matinding pagtutol ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea sa mga aksyon kamakailan ng Amerika at mga kaalyado nito.


Anito, ang paglulunsad ng missile ng hukbo ng Hilagang Korea ay ganti lamang sa magkasanib na ensayong militar ng Timog Korea at Amerika.


Anang KCNA, ang pagtalakay sa isyung ito sa United Nations Security Council (UNSC) noong Oktubre 5, 2022 at pagpoposisyon ng mga barko de giyera ng Amerika malapit sa peninsula ng Korea ay nagdudulot ng matinding banta sa istabilidad ng situwasyon.


Anito pa, mahigpit na sinusubaybayan ng panig Hilagang Koreano ang mga kilos ng Amerika na nagdudulot ng grabeng banta sa naturang rehiyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio