Hanggang Oktubre 5, 2022, 110 katao na ang naiulat na nasawi dahil sa bagyong “Ian” sa Amerika.
Bukod dito, putol din ang koryenteng sumusuplay sa halos 300 libong pamilya sa estadong Florida, sa gawing timog silangan ng bansa.
Ayon sa datos, karamihan sa mga nasawi ay nalunod.
Noong Setyembre 28, bumaba mula sa baybaying-dagat ng estadong Floarida ang bagyong “Ian.”
Winasak ng malakas na ulan at baha ang napakaraming bahay, estruktura, sasakyan, bapor, at iba pa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio