Central Commission for Discipline Inspection ng CPC, nagpulong

2022-10-08 17:44:25  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Oktubre 7, 2022, sa Beijing, ang ikapitong sesyong plenaryo ng Ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Ayon sa komunikeng inilabas ng pulong, sinuri at pinagtibay ng mga kalahok ang work report ng CCDI.

 

Ayon pa rin sa komunike, isusumite ang naturang work report sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, at tatalakayin rin ito sa darating na ikapitong sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, na bubuksan sa Oktubre 9.

 

Nangulo at nagtalumpati naman sa pulong si Zhao Leji, kalihim ng CCDI at miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos