Ika-7 Sesyon ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, idinaos: ulat ng mga gawain inilahad ni Xi Jinping

2022-10-09 14:48:37  CMG
Share with:

 

Sa pagdaraos ngayong umaga, Oktubre 9, 2022 sa Beijing ng ika-7 Sesyon ng Ika- 19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), isang ulat ng mga gawain, o work report ang inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC.

 

Binanggit din ni Xi ang panukala ng nasabing work report na nakatakdang lubusang ihayag sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC sa Oktubre 16, 2022.

 

Samantala, inilahad naman ni Wang Huning, isa sa mga Pirmihang Miyembro ng Pulitburo ang panukala sa pagsusog sa karta ng CPC.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio