Ipinahayag kahapon, Oktubre 10, 2022 ni Li Song, Embahador Tsino sa Usapin ng Disarmamento, na kahit natapos na ang Cold War noong nakaraang 30 taon, ang Cold War mentality ay pinakamalaking banta pa rin sa katatagan at kapayapaan ng buong daigdig.
Nang araw ring iyon, sinabi ni Li sa debatahan ng First Committee ng Ika- 77 sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), na dahil sa patuloy na pagyakap sa Cold War mentality, may iilang bansa ang nag-uudyok ng komprontasyon at kompetisyon sa pagitan ng mga malalaking bansa, pinalalakas ang alyansang militar, at sinasadyang gawin ang probokasyon at sinisira ang pagtitiwalaan ng mga malaking bansa.
Ito aniya ay malaking banta sa estratehikong katatagan ng buong daigdig.
Sinabi ni Li na iniharap ng Tsina ang Global Security Initiative para harapin ang mga masalimuot na hamong panseguridad sa ilalim ng ideya ng win-win situation at diwa ng pagkakaisa.
Salin: Ernest
Pulido: Mac