Komunike ng Ika-7 Sesyon ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, isinapubliko
Isinapubliko ngayong araw, Oktubre 12, 2022 ang komunike ng Ika-7 Sesyon ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos sa Beijing mula Oktubre 9 hanggang 12.
Ayon dito, bubuksan Oktubre 16 sa Beijing ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Pinagtibay rin ng naturang sesyon ang work report ng Ika-19 na Komite Sentral at Central Discipline Commission ng CPC para ilahad sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Bukod diyan, niratipikahan sa sesyon ng sesyonang panukala sa pagsusog sa karta ng CPC.
Ang naturang tatlong dokumento ay isusumite sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC para sa pagtalakay at pagsusuri.
Lubos na kinumpirma ng sesyon ang mga gawain ng Pulitburo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC noong nakaraang taon.
Tinalakay din ang kasalukuyang kalagayan sa loob at labas na bansa at mga paghahanda para sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio