Sentro ng Pagbabalita para sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, operasyonal na

2022-10-12 16:15:15  CRI
Share with:

Pormal na naisa-operasyon ngayong araw, Oktubre 12, 2022 ang Sentro ng Pagbabalita o Media Center para sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).


Ang main function area ng nasabing sentro ay matatagpuan sa Media Center Hotel at Hotel Nikko New Century Beijing.


Ito ay nagkakaloob ng serbisyo at garantiya sa mga mamamahayag sa mga aspektong gaya ng pagsasagawa ng panayam, paghahanap ng impormasyon, at signal ng publikong pagsasahimpapawid at telebisyon.


Ayon sa namamahalang tauhan ng sentro, sa panahon ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, oorganisahin ang mga mamamahayag sa loob at labas ng Tsina upang napapanahong maibalita ang mga pangunahing agenda ng kongreso.


Salin: Lito

Pulido: Rhio