Ika-3 pagtuturo habang nasa istasyong pangkalawakan, idinaos ng mga taikonauts

2022-10-12 17:11:42  CMG
Share with:

Idinaos ngayong hapon, Oktubre 12, 2022 nina Chen Dong, Liu Yang at Cai Xuzhe, tatlong taikonaut, ang ika-3 pagtuturo sa mga batang Tsino mula sa istasyong pangkalawakan.

 

Ito rin ang kauna-unahang pagsasagawa ng ganitong pagtuturo habang nasa Wentian lab module.

 

Inilahad ng tatlong taikonaut ang kalagayan ng pamumuhay at trabaho sa loob ng Wentian lab module.

 

Bukod diyan, ipinakita nila sa mga batang Tsino ang mga siyentipikong pananaliksik sa kalawakan at sinagot ang tanong ng mga bata.


Salin: Ernest 

Pulido: Rhio