Vlog ni Sissi:Lakbay sa Yunnan-Guo Qiao Mi Xian

2022-10-12 21:47:12  CRI
Share with:

Ayon sa sinaunang kuwento mula sa probinsyang Yunnan ng Tsina, may isang babaeng araw-araw na naghahatid ng pagkain sa kanyang asawang nasa isang isla sa gitna ng lawa, na nag-aaral para sa national civil servants examination.

 

Napakalamig ng panahon at para hindi lumamig ang mga pagkain, inisip ng babae na magluto ng sinabawang manok at marrowbone ng baboy, dahil ito'y mamantika, puwedeng manatiling mainit sa loob ng ilang oras. 

 

Pagkatapos, dahil sa paghigop ng mainit na sabaw at pagkain ng karne, gulay at rice noodle sa loob ng sabaw, nakapasa sa eksaminasyon ang kanyang asawa at naging tanyag ang paraan ng pagluluto ng babae.

 

At dahil kailangang tumawid ng tulay upang maihatid ang pagkain sa kanyang asawa, ang paraan ng pagluluto ng rice noodle na ito ay nakilala bilang Guo Qiao Mi Xian o cross-bridge rice noodle.

 

May dalawang restawran na rekomendado ng mga taga-Yunnan para tikman ang tunay na Guo Qiao Mi Xian, isa ay Qiao Xiang Yuan at isa pa ay ang Jian Xin Yuan.

 

Ang Jian Xin Yuan ay itinatag noong 1906, at ang estilo nila ng pagluluto ng Guo Qiao Mi Xian ay inilakip sa listahan ng intangible cultural heritage noong 2016.

 

Mayroon apat na pagpipilian sa pag-order ng Guo Qiao Mi Xian sa Jian Xin Yuan, iyong karaniwan, iyong espesyal, iyong may kasamang kabute, at iyong may kasamang kabute at lamang-dagat. 

 

Ito ang Guo Qiao Mi Xian na inorder ko, ito ay iyong espesyal na set, na nagkakahalaga ng 384 pesos: kasama rito ang hipon, bacon, karne ng baboy, manok, baka, isda, itlog, kabute’t gulay, 16 na uri ng sangkap, sabaw at rice noodle.

 

Bukod diyan, mayroon ding instruksyon sa bawat mesa kung paano kainin ang noodles: ang pinaka-importante ay ilagay muna ang mga sariwang sangkap tulad ng meat slice, kabute; tapos isunod ang mga naluto nang sangkap gaya ng tofu skin, chicken nuggets; at panghuli ay ang rice noodle.

 

Matapos ito, ready to eat na ang Guo Qiao Mi Xian ninyo, at puwedeng dagdagan pa ang konting suka at chili oil batay sa sariling kagustuhan.

 

Um, talagang lutung-luto ang karne ng baboy at isda, tender and juicy rin ang lasa, ang sarap.

 

Ang kabuteng ito ay tinatawag na chicken fir, napaka-unique ng lasa, ito ay must try.


Pulido: Mac


Video Editor: Sissi