Noong Oktubre 2002, nagtrabaho si Xi Jinping sa probinsyang Zhejiang ng Tsina, at sa loob ng halos 4 at kalahating taon, magkakasunod siyang nanungkulan bilang Pangalawang Kalihim ng Probinsyal na Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pansamantalang Gobernador, at Kalihim ng Probinsyal na Komite ng CPC.
Noong Disyembre 2001, sumapi ang Tsina sa World Trade Organization (WTO), bagay na hindi lamang nagkaloob ng pagkakataon ng pag-unlad sa Tsina, kundi nagharap din ng napakalaking hamon sa bansa.
Tulad ng ibang mga probinsya ng Tsina, isinagawa ng Zhejiang ang extensive development mode.
Sa panahong iyon, hindi mataas ang kalidad at benepisyo ng pag-unlad ng kabuhayan at di malakas ang kakayahang kompetitibo ng Zhejiang sa daigdig.
Paano napabilis ang pag-u-upgrade ng industriya ng Zhejiang sa pamamagitan ng pagsapi ng Tsina sa WTO? Paano naresolba ang kontradiksyon sa pagitan ng pag-unlad ng kabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran? Narito ang espesyal na programang pinamagatang “Mga kuwento ni Xi Jinping-Pambungad.”
Noong Enero 5, 2007, naglakbay-suri sa Zhejiang University si Xi Jinping, Kalihim ng Komiteng Panlalawigan ng CPC sa Zhejiang sa panahong iyon.
“Sapatos” ang maging masusing salita ng kanyang paglalakbay-suri.
Sa panahong iyon, katumbas ng 40% ng merkadong Tsino at 20% ng buong mundo ang industriya ng paggawa ng sapatos sa probinsya.
Gayunpaman, hindi mataas ang pagkalahatang lebel ng pag-unlad ng industriyang ito, mataas ang upa sa lakas-manggagawa at presyo ng mga raw material, kaya sobrang baba ang tubo ng mga kompanya.
Linya ng pagpoproseso ng isang kompanya ng sapatos sa Wenzhou, probinsyang Zhejiang ng Tsina – Agosto ng 2004
Ngunit, ano ang kaugnayan ng paggawa ng sapatos sa unibersidad?
Si Geng Weidong, Propesor sa Zhejiang University ay isang dalubhasa sa pagdidisenyo sa pamamagitan ng kompyuter.
Sa pamamagitan ng kooperasyon sa mga kompanya ng sapatos, sarili nilang sinubok-yari ang isang industrial software na kayang gumawa ng eksaktong three-dimensional model batay sa larawan ng paa.
Dahil sa teknolohiyang ito, hindi lamang nabigyang-kasiyahan ang mataas na pangangailangan ng mga mamimili, kundi napakalaking nabawasan din ang aksaya at napataas ang karagdagang halaga ng industriyang ito.
Palagiang isinaalang-alang ni Xi Jinping ang pagbabago at pag-u-upgrade ng tradisyonal na industriya ng paggawa ng Zhejiang sa pamamagitan ng teknolohiyang pang-impormasyon.
Ang nasabing proyekto ni Geng ay magkatumga sa ideyang isinusulong ni Xi.
Sa panahon ng nasabing paglalakbay-suri, iniharap ni Xi ang maraming sagot.
Sa loob ng isang pabrika ng paggawa ng lithium battery sa Huzhou, probinsyang Zhejiang, taong 2021
Ang pagsasakatuparan ng pag-u-upgrade sa industriya ng paggawa sa Zhejiang ay walang patid na isinulong ni Xi Jinping makaraan niyang magtrabaho sa probinsyang ito.
Bakit niya ito ginawa?
Matapos sumapi ang Tsina sa WTO, sinimulang harapin ng iba’t-ibang industriya ng Tsina ang pandaigdigang kompetisyon.
Sa loob ng bansa, may malaking bentahe ang probinsyang Zhejiang sa ilang industriya.
Ngunit sa merkadong pandaigdig, wala itong bentahe – mababa ang lebel ng mga industriya, mahina ang kakayahan ng inobasyong panteknolohiya, at masama ang kakayahan ng sustenableng pag-unlad.
Makaraang sumapi ang Tsina sa WTO, kinaharap ng Zhejiang ang napakalaking hamon mula sa pamilihang pandaigdig.
Ang pagpapataas ng kakayahan ng mga kompanya ng Zhejiang sa paggawa ng mga kasangkapan ay ideya ni Xi Jinping.
Matapos ang kanyang paglalakbay-suri sa iba’t-ibang lugar ng Zhejiang, iniatas ni Xi ang pagpapabilis sa konstruksyon ng modernong manufacturing industry base.
Iniharap din niya na dapat mas aktibo, mas malawak, at mas malalim na makilahok ang Zhejiang sa pandaigdigang kooperasyon at kompetisyon.
Upang matupad ang pag-u-upgrade ng industriya sa Zhejiang, pinabuti ni Xi ang mekanismo ng pag-aakit ng pondo mula sa loob at labas ng bansa, ginamit din niya ang mabuting pamumuhunan, modernong teknolohiya, mga talento, at ginamit ang porma ng modernong pamamahala mula sa loob at labas ng bansa para walang humpay na mapataas ang lebel at kakayahan ng pag-unlad ng industriya ng probinsyang Zhejiang.
Bukod pa riyan, hinikayat niya ang mga lokal na kompanya na lumabas sa Zhejiang tungo sa ibang lugar at ibang bansa para itatag ang sentro ng pananaliksik at pataasin ang lebel ng industriya ng paggawa.
Sa loob ng pabrika ng paggawa ng micro motor sa Wenzhou, probinsyang Zhejiang, 2022
Sa estratehikong patnubay ni Xi Jinping, tumahak sa panibagong landas ng industrilisasyon ang probinsyang Zhejiang, at ngayo’y naisakatuparan na ang pagbabago at pag-u-upgrade ng industriya ng paggawa sa probinsya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio