Pangako ng mauunlad na bansa sa Aprika, dapat isakatuparan – Tsina

2022-10-13 14:36:11  CMG
Share with:

Hinimok Miyerkules, Oktubre 12, 2022 ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), ang mga maunlad na bansa na agarang isakatuparan ang mga pangako ng pagkakaloob ng pondo sa mga bansang Aprikano.

 

Ipinahayag ni Dai na kinakaharap ng mga bansang Aprikano ang presyur sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pagharap sa pagbabago ng klima, kaya di-patas na hilingin sa kanila na isabalikat ang parehong responsibilidad tulad sa mga maunlad na bansa sa usapin ng pagbabago ng klima.

 

Sinabi pa niyang upang isakatuparan ang mga target ng Paris Agreement, dapat unang isagawa ng mga maunlad na bansa ang pagbabawas ng emisyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio