Pag-unlad ng Tsina, nagdudulot ng pagkakataon sa buong daigdig – Ministring Panlabas ng Tsina

2022-10-13 14:31:32  CMG
Share with:

 

Bilang tugon sa sinabi kamakailan ng bagong pamahalaan ng Britanya na ang Tsina ay banta sa kanilang bansa, tinukoy Miyerkules, Oktubre 12, 2022 ni Mao Ming, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang iginigiit ng Tsina ang indipendiyente at mapayapang diplomatikong patakaran.

 

Aniya pa, ang pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot ng pagkakataon sa mga bansa sa halip na banta at hamon.

 

Umaasa ang panig Tsino na obdyektibo at makatuwirang pakikitunguhan ng bagong pamahalaan ng Britanya ang Tsina at relasyon ng dalawang bansa, saad ni Mao.

 

Sinabi pa niyang ang target ng pag-unlad ng Tsina ay pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, at ang pagsasagawa ng komprontasyon sa Tsina ay hindi solusyon sa sariling problema ng Britanya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio