Tsina, tutol sa pagsasapulitika at paggamit bilang sandata ng isyu ng kabuhayan at kalakalan

2022-10-14 14:04:51  CMG
Share with:

Bilang tugon sa sinabi nitong Miyerkules, Oktubre 12, 2022 ni Treasury Secretary Janet Yellen ng Amerika na dapat pigilan nito ang paggamit ng Tsina ng isyu ng kalakalan bilang sandata sa “geopolitical coercion”, ipinahayag kahapon, Oktubre 13, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palaging tinututulan ng Tsina ang pagsasapulitika at paggamit bilang sandata ng isyu ng kabuhayan at kalakalan.


Tinukoy ni Mao na buong sikap na pinangangalagaan ng Tsina ang kalayaan at pagpapadali ng kalakalang pandaigdig, at katatagan ng industrial chain sa buong daigdig.


Dagdag pa ni Mao, ang kasalukuyang mga kahirapan sa pandaigdigang kalakalan at kabuhayan ay bunga ng pagsasagawa ng trade protectionism at unilateralism ng ilang bansa.


Hinimok din ni Mao ang nabanggit na ilang bansa na itigil ang mga patakaran at hakbangin sa trade protectionism at unilateralism.


Salin: Ernest

Pulido: Mac