Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) Oktubre 16, 2022, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na naisakatuparan ng kabuhayang Tsino ang historikal na pag-unlad noong nakaraang dekada.
Sa nasabing dekada, lumaki aniya sa 114 trilyong yuan RMB (halos 16 trilyong dolyares) ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina mula 54 trilyong yuan lamang.
Umabot din sa 18.5% ang proporsyon ng kabuuang bolyum ng kabuhayang Tsino sa kabuhayang pandaigdig, na mas malaki ng 7.2%, aniya pa.
Saad niya, ang Tsina ay nananatiling ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo, at tumaas sa 81 libo mula 39.8 libong yuan ang per capita GDP ng bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio