Dumalo ngayong umaga, Oktubre 17, 2022 si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa talakayan ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Sa pagtalakay, inilahad ng mga kinatawan ang mga ideya hinggil sa talumpati ni Xi sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing kongreso.
Pinag-usapan din nila ang kalagayan hinggil sa mga isyung gaya ng konstruksyon tungo sa modernisasyon ng Guangxi, pangangalaga sa kapaligiran ng lunsod Guilin, pagpapaunlad ng espesyal na industriya ng agrikultura, at pagpapalalim ng inobasyon.
Matapos pakinggan ang mga kinatawan, sinabi ni Xi na ipinakikita ng mga natamong bunga ng Guangxi, sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC ang matagumpay na pagsasakaturapan ng mga hakbangin at patakaran ng CPC sa lokalidad.
Tinukoy rin niyang kailangang mas lalo pang pag-ibayuhin ang direksyon ng pag-unlad sa usapin ng partido at bansa, at hiniling sa delegasyon ng Guangxi na lubos na pag-aralan ang mga kaalaman at ideya ng talumpati sa Ika-20 Pambansang Kongreso.
Ito ay para ibayo pang mapasulong ang pag-unlad ng iba’t ibang larangan ng Guangxi, saad ni Xi.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio