Miyembro ng mga dayuhang partido at panauhin, bumati sa pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC

2022-10-17 11:26:11  CRI
Share with:

Kasabay ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), magkakasunod na ipinadala ng mga miyembro ng mga dayuhang partido at mapagkaibigang panauhin ang kani-kanilang mensahe sa Komite Sentral ng CPC, at Pangkalahatang Kalihim nito at Pangulong Tsinong si Xi Jinping bilang pagbati sa matagumpay na pagbubukas ng nasabing kongreso.


Ipinahayag ni Dmitry Medvedev, Pangulo ng United Russia Party at Pangalawang Pangulo ng Konsehong Panseguridad ng Rusya, na sa ilalim ng pamumuno ni Xi Jinping at nagkakaisang pagpupunyagi ng lahat ng miyembro ng CPC, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa iba’t-ibang larangan.


Bilang malakas na puwersa sa bagong panahon, ang CPC ay nagsisilbing tunay na tagapatnubay ng mga mamamayang Tsino sa paghahanap ng kanilang pangarap, aniya pa.


Ipinahayag naman nina Joe Sims at Rossana Cambron, Ikalawang mga Tagapangulo ng Partido Komunista ng Estados Unidos (CPUSA), na nitong 10 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kahanga-hangang tagumpay sa maraming larangan.


Patuloy anilang bibigyang-patnubay ng naturang kongreso ang pag-unlad ng Tsina sa sosyalistang landas.


Bukod pa riyan, magkakahiwalay ding ipinadala ng mga miyembro ng mga dayuhang partido mula sa Timog Aprika, Argentina, Sri Lanka, Palestina, Iraq, Cambodia, Myanmar, Algeria, at iba pa, ang mensaheng pambati sa nasabing kongreso.


Salin: Lito

Pulido: Rhio