CMG Komentaryo: Masayang pamumuhay ng sambayanang Tsino, laging unang target ng CPC

2022-10-17 16:21:32  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Oktubre 16, 2022 sa Beijing, maliwanag na sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, na ang target ng pag-unlad ay para sa mga mamamayan, at ang bunga ng pag-unlad ay dapat matamasa ng sambayanang Tsino.

 

Sapul nang itatag ang CPC noong 1921, palagian nitong inilalagay ang kapakanan ng mga mamamayang sa unang puwesto.

 

Kaugnay nito, magmula noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, matagumpay na napawi ang ganap na kahirapan sa Tsina.

 

Ito’y bunga ng pagsisikap ng mga mamamayang Tsino sa ilalim ng pamumuno ng CPC.

 

Ipinakikita rin nito ang katuparan ng pangako ng CPC na pabutihin ang pamumuhay ng mga Tsino.

 

Sa talumpati, ipinahayag ni Xi na sa hinaharap, magpopokus ang pangunahing gawain sa pagtatayo ng isang malakas na modernisadong sosyalistang bansa.

 

Layon din nitong ibayo pang isulong ang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Dahil sa pagpapauna ng kapakanan ng mga mamamayan, tinanggap ng CPC ang matatag at taos-pusong pagkatig at pag-ibig ng mga Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio