Tinukoy Oktubre 18, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabs ng Tsina, na ang Belt and Road Initiative (BRI) ay nakahihigit sa lumang ideya ng “geopolitical games” at lumikha ng bagong modelo sa pandaigdigang kooperasyon.
Aniya, kahit sinalanta ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang buong daigdig, nananatiling malakas at masigla ang mga kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng BRI.
Ayon kay Wang, nilagdaan ng Tsina at mahigit 30 bansa at rehiyon ang kasunduan ng Authorized Economic Operator (AEO) para mapadali ang pamumuhunan at kalakalan.
Umaasa ang Tsina na magkakasamang mapapasulong, kasama ng naturang mga bansa at rehiyon, ang de-kalidad na pag-unlad ng konstruksyon ng BRI upang maisakatuparan ang magkakasamang kaunlaran ng iba’t ibang bansa, dagdag pa niya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio