Vlog ni Sissi: Lakbay sa Yunnan-Dounan Flower Market

2022-10-19 17:31:15  CRI
Share with:

80% walumpung porsiyento ng fresh cut flowers ng Tsina ay galing sa Dounan flower market.

 

Kumusta po mga kaibigang Pinoy, ito po si Sissi, ngayong araw, nandito ako sa Dounan Flower Market sa Probinsyang Yunnan ng Tsina. Ito ang pinakamalaking wholesale market para sa mga bulaklak sa Tsina, maging sa buong Asya.

 

Naku…umuulan!

 

Ang Yunnan ay isa sa mga pinakamalaking production base ng gulay at bulaklak sa Tsina. Alam nyo bang sa 10 bulaklak na ibinebenta sa pamilihang Tsino, 8 sa mga ito ay galing sa Dounan Flower Market ng probinsyang Yunnan. At dahil ang Yunnan ay malapit sa Myanmar, Laos at Kambodya, ang bulaklak ng Yunnan ay direktang iniluluwas sa mga bansang ito kabilang na rin ang iba pang ASEAN countries tulad ng Pilipinas, Thailand at Singapore.

 

Sa araw, ang Dounan flower market ay parang karaniwang flower market, puwedeng bumili ng lahat ng bagay na may kinalaman sa bulaklak. Sa second floor ng main building, ito ay paraiso ng mga succulent plants, mula sa karaniwang cactus hanggang sa napakamahal na haworthia obtusa, kahit hindi ninyo gusto ang succulent plants mae-engganyo kayong alamin ang tungkol sa mga ito. Ang cute nila!

 

Magaling ang serbisyo dito, pumili lang kayo ng halaman, at ang tindero na ang bahala sa paglagay sa paso, pagbalot at kung kailangan ninyo, puwede nilang dalhin ang mga biniling halaman sa bahay ninyo sa pamamagitan ng delivery service sa loob ng flower market.

 

At sa gabi, mga alas-5 singko hanggang alas-6 seis, kapag nagsara ang maraming tindahan, sa mga lugar sa labas ng main building, nagsisimula ang pinakaabalang panahon ng Dounan Flower Market. Kahit maulan, ang buong square ay punung puno ng iba’t ibang bulaklak, flower growers, brokers, propesyonal na flower buyers. At ang mga bulaklak na nakikita ninyo ngayon ay ibebenta o ididisplay sa mga flower shops, office buildings, hotels, restaurants, meeting centers at iba pang important occasions sa buong Tsina at ilang bansa sa ibayong dagat.

 

Murang mura ang mga bulaklak sa Dounan Flower Market. 40 pesos na sunflower, 15 pesos na daisy, 15 pesos na Eustoma. Sa halagang 400 pesos, puwedeng makabili ng 100 piraso ng roses kasama ng magandang wrapping paper at ribbons. Siguro, mas mahal ang mga pambihirang uri. Halimbawa, ang bulaklak na ito ay tinatawag na king protea, iyong half opened 280 pesos isang piraso at iyong di pa namumukadkad ay tatlong daang piso isang piraso. Pero sa flower shop, magkakahalaga ito ng 1500 pesos isang piraso.

 

Sayang, turista lang ako, kung sa Beijing, kung may makikitang ganito kamurang bulaklak, talagang bibilhin ko lahat.

 

Bilang pangwakas, ibabahagi ko sa inyo ang isang sikreto na sinabi sa akin ng isang shopkeeper sa Dounan Flower Market, kung papaano mapapanatili ang mga fresh cut flowers. Bago ilagay ang mga fresh cut flowers sa plorera, dagdagan ng kaunting Coca-cola ang tubig. Sa 500 ml na tubig, lagyan ang isang cap.

 

Ok, abangan nyo ang iba pang adventures ko sa Yunnan. Kita-kits. 


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac